2,872 total views
Ito ang paalala ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas kasabay ng panawagan kaugnay sa nawawalang imahe ng San Jacinto De Polonio sa Parish of San Jacinto na nasasakop ng arkidiyosesis.
Nilinaw ng arsobispo na ang mga imahe na nilikha ng mga naglililok bilang sining ay isang pagpapaalala sa kabanalan ng Panginoon at ng mga nabuhay na mga banal.
“Images of saints do not have intrinsic spiritual powers. Images created by artistic hands are only reminders of the holiness of God and the saints. We do not pray to images, but to the saints whom the images represent. More important than having images of saints is the imitation of their virtues,” ayon sa inilabas na circular ni Archbishop Villegas.
Ayon sa natanggap na impormasyon ng arkidiyosesis, nawawala ang orihinal na imahe na nakadambana sa parokya na hinihinalang napalitan nang ito ay papinturahan noong August 2016.
Sa ulat ng ad hoc team of ecclesiastics na pinamunuan auxiliary Bishop Fidelis Layog-ang kasalukuyang imahe na nasa retablo ng parokya ay naiiba kumpara sa mga lumang larawan sa parish archives.
Hiling naman ni Archbishop Villegas sa publiko sa patuloy na pananampalataya at hindi maging hadlang sa kanilang pananalig sa Diyos ang nawawalang imahe, sa halip ay ituon ang mga gawain na magpapayabong sa pananampalataya ng pamayanan.
“But let us not get distracted by the mission image. Let us focus more on the missing life of virtue in our society and in the family which is but a symptom of the mission life of virtue in each one,” ayon pa sa circular.