32,143 total views
Inaanyayahan ng Cooperative Development Authority ang mamamayan na makikiisa sa mga CDA job fairs upang magkaroon ng trabaho at maging miyembro ng kooperatiba.
Ayon kay CDA Assistant Secretary for Human Services Vergel Hilario, partikular na nabibigyan ng trabaho sa mga job fair ang mga skilled, semi-skilled at kahit ang mga unskilled workers sa pakikipagtulungan sa mga kooperatiba.
“Iniimbatahan namin sila na magpunta dito sa aming mga job fairs, nakikipag coordinate kami sa mga PESO, kung mayroon kaming Job fair, alam ng PESO kung asan kami, alam din ng DOLE, kasi yung mga naandito, hindi lang basta-basta yan, iniiscreen ng DOLE yan para maayos silang magkatrabaho,” ayon sa panayam ng radio Veritas kay Hilario.
Inihayag naman ni CDA Assistant Secretary Santiago Lim na maaring mabisita ang social media platforms ng ahensya upang malaman ang mga araw kung saan at kailan idadaos ang mga job fair.
“Sa katagalan ay magkakaroon narin ng mga kooperatiba na magpapadala ng mga empleyado para sa foreign Job Assignments sa pagtutulungan namin sa Department of Migrant Workers at sana sa mga darating na job fair pa namin, makaikot kami sa buong Pilipinas ay maikalat niyo, masabi niyo na sa pagkakataon na to sa mga kasamahan niyo, mga kaibigan, kamag-anak sa ibat-iba pang lugar,” ayon naman sa panayam ng Radio Veritas kay Lim.
Noong ika-13 ng Marso idinaos ang CDA job fair sa San Pedro Laguna kung saan 30-kooperatiba ang nag-alok ng trabaho sa higit 200 aplikante sa lalawigan.
Nagkaroon din ng tanggapan sa CDA job fair ang Philippine Health Insurance Corporation, Social Security System, Public Employment Service Office upang higit na matulungan ang mga aplikanteng nakiisa sa gawain.
Sa a-uno naman ng Mayo 2024 ay idadaos ang job fair sa SM Valenzuela na susundan naman ng kaparehong gawain sa mga susunod pang buwan sa Davao Region.
Unang kinilala ni Father Anton CT Pascual na pangulo Radio Veritas at Executive Director ng Caritas Manila ang mga kooperatiba bilang bagong pamamaraan tungo sa pag-unlad ng mga mahihirap miyembro na itinataas ang antas ng kanilang pamumuhay sa tulong ng pinagsama-samang yaman