189 total views
Buhay, napakahalagang regalo na kaloob ng Diyos.
Ito ang naging pahayag ni San Fernando, Pampanga Archbishop Emeritus Paciano Aniceto sa patuloy na pagtataguyod ng kultura ng kamatayan.
Aniya, walang sinumang nilalang ang nagmamay–ari ng buhay na tanging Diyos lamang ang nagmamay – ari nito at dapat ring gamitin ang buhay ayon sa dangal, katangian nito at kapalaran na nakatakda lamang sa Diyos.
“Kaya ang buhay talaga ay ang fundamental na regalo na bigay ng Diyos na pinahiram sa atin. Ang may-ari nito ay ang Diyos. Kaya gusto ng Diyos na gamitin natin ang ating buhay ayon sa ating dangal, sa ating identity, dignity at destiny bilang nilikha at anak ng Diyos.” pahayag ni Archbishop Aniceto sa panayam ng Radyo Veritas.
Iginiit ni Archbishop Aniceto na maging kriminal o hindi ay nangangailangan ng pagmamahal at kabanalan ng Diyos na nagmamalasakit at nagpapatawad.
“Sabi nga ni Cardinal Joseph Lungban, a brother, whether criminal or a good man is person who needs love and God’s holiness. At yung God na yan, ay syempre kasama na yung, hindi na yung gumagawa ng masama na tinatawag nating kriminal.” Giit pa ni Archbishop Aniceto sa Veritas Patrol.
Kaugnay nito, magsasagawa rin ng “Walk for Life” ang Archdiocese of San Fernando, Pampanga sa ika – 25 ng Pebrero kasabay ng ika – 31 anibersaryo ng Edsa People Power na inaasahang dadaluhan ng libo – libong mananampalataya.
Kaugnay nito read: http://www.veritas846.ph/walk-life-cardinal-tagle/
Naging matagumpay naman ang “Walk for Life” na inilunsad ng CBCP – Episcopal Commission on the Laity na dinaluhan ng dalawampung libong Katoliko na nanindigan sa kabanalan ng buhay.