288 total views
Magsisimula lamang ang tunay na pagbabago sa lipunan sa desisyon ng bawat isa na manindigan sa tama.
Ito ang binigyang diin ni Diocese of Boac Bishop Marcelino Maralit, kaugnay sa hinahangad na pagbabago ng sambayanang Filipino partikular na sa usapin ng kriminalidad at illegal na droga.
Ipinaliwanag ng Obispo na malawak at magkakaugnay ang problemang dapat solusyunan sa usapin ng droga sa bansa bago ito tuluyang mapuksa.
Sinabi ni Bishop Maralit na sa desisyon ng bawat isa na gumawa ng tama magsisimula ang pagbabagong inaasam ng sambayanan.
“It’s a long term battle. The change that has to happen in the lives of these people bukod sa change yung pagbabago ng society, ng pamilya kasi normally naman yung nagda-drugs nagkulang minsan ng support ang pamilya kaya napapunta dun so may problema sa pamilya. So, hindi lang pala ang katawan ang may problema yun ding nagtitinda ng drugs. Kung wala namang nagtitinda sinong bibili? So ibig sabihin kapag may nagtitinda is another problem. So, the solution is about the decision that we all have to make to do the right thing…”pahayag ni Bishop Maralit sa panayam sa Radio Veritas.
Kaugnay nito, isang prayer gathering ang inilunsad ng Diocese of Marbel para sa kapayapaan at pagkakaisa sa Pilipinas sa gitna ng iba’t ibang usapin at suliraning kinahaharap ng bansa.
Sa kasalukuyan, patuloy na pinapalakas ng Simbahan ang rehab program nito para sa mga drug surrenderers.
Read: http://www.veritas846.ph/sanlakbay-program-may-12-parokya-ng-tutulong-sa-drug-surrenderers/
http://www.veritas846.ph/simbahan-kaisa-ng-gobyerno-para-labanan-ang-iligal-na-droga/
Samantala, batay sa pinakahuling tala ng Philippine National Police ngayong Enero, tinatayang umaabot na sa 2,102 ang namatay sa gitna ng operasyon ng mga pulis laban sa illegal na droga habang aabot naman sa 3,993 ang bilang ng death under investigation pitong buwan mula ng magsimula ang War on Drugs ng pamahalaan.