211 total views
March 2, 2020 10:37AM
Greed … pagiging matakaw o pagiging gahaman.
Ito ang madalas na katangian ng mga opisyal ng pamahalaan at maging ng mga government workers… nagdudulot ito ng matinding corruption.
Ang pagiging gahaman sa salapi ang paulit-ulit at tila naging kultura na sa alinmang sangay ng pamahalaan, sa mga kawani at mga opisyal nito.
Sa administrasyong Duterte, nagresign bilang Department of Justice secretary si Vitaliano Aguirre III matapos madawit sa 50-milyong pisong bribery at extortion scam na kinasasangkutan din ng Bureau of Immigration ng palayain ang mga nahuling mahigit sa 1,300 Chinese illegal workers.
Dawit din sa bribery scandal ang kasalukuyang Bureau of Immigration Commissioner Jaime Morente habang sinibak sa puesto sina BI Deputy Commissioner Al Argosino at Michael Robles na pawang mga fraternity brothers ni Aguirre.
Nadawit din sa multi-bilyong pisong drug scandal si nooy Bureau of Customs Commissioner Nicanor Faeldon na inilipat sa Bureau of Corrections na sinibak din sa puwesto matapos masangkot naman sa multi-milyong pisong Good Conduct Time Allowance scam.
Hindi pa umiinit sa puwesto si Isidro Lapina na kapalit ni Faeldon sa BOC, napuslitan o nalusutan na naman ang BOC ng 355-kilos ng shabu na nagkakahalaga ng 2.4-bilyong piso.
Matapos makalusot sa 50-milyong pisong bribery scandal, dawit na naman ngayon si BI Commissioner Morente sa 10-bilyong pisong VISA payoffs o Pastillas operations na kinasasangkutan ng mga Bureau of Immigration personnel sa pagbibigay ng VIP treatment sa mga Chinese tourist na nagta-trabaho Philippine Online Gaming Operations o POGO.
Sa pagdinig ng Senado, inamin ng mga nasasangkot na kawani ng B-I na napipilitan silang tumanggap ng lagay mula sa mga Chinese POGO workers dahil sa liit ng kanilang suweldo.
Hindi naman pinaniniwalaan ng mga Senador ang katwiran ng mga nahuling sangkot sa Pastillas scam, sa halip sinabi ng mga Senador na ang kultura ng pagtanggap ng lagay ng mga kawani ng pamahalaan ay bunsod ng pagiging gahaman sa salapi o sobrang greed.
Pinaalalahanan tayo ng “John 12:6 – This he said, not that he cared for the poor; but because he was a thief, and had the bag, and bare what was put therein.
Sinasabi din sa Timothy 6:10 – For the love of money is the root of all evil: which while some coveted after, they have erred from the faith, and pierced themselves through with many sorrows.