267 total views
Muling humingi ng paumanhin ang pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa mga biktima ng kahit na anong uri ng pang – aabuso lalo na ang pang-abusong sekswal sa mga kabataan ng mga Pastol ng Simbahan.
Ito ang tugon ni Davao Archbishop Romulo Valles sa katanungan ng isang delegado ng NYD 2019 mula sa Arkidoyosesis ng Jaro sa isinagawang dayalogo nitong ika – 27 ng Abril sa Cebu City Sports Complex.
Ayon kay Archbishop Valles, tulad ng Kan’yang Kabanalan Francisco labis din na ikinahiya ng kalipunan ng mga Obispo sa bansa ang pang-aabusong kinasangkutan ng ilang lingkod ng Simbahang Katolika kasabay ng paghingi ng taos-pusong paumanhin sa pagkakamali ng mga pastol ng Simbahan.
“We bow in shame. We ask for forgiveness, we continue to say; we are so sorry and beg for forgiveness from the Lord and from those this hurt and wrongdoing has been done,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Valles.
Ayon sa Arsobispo, patuloy gumagawa ng hakbang ang Simbahang Katolika ng Pilipinas upang matugunan ang mga suliranin ng pang-aabuso at tiniyak na kaiss ito sa paglaban ng pang – aabuso sa lipunan at umaasang mapanagot sa batas ang mga indibidwal na sangkot.
Aniya, hindi tumitigil ang Simbahan sa paghahanap ng katarungan sa bawat biktima ng pang-aabuso sapagkat isa ito sa mithiin ng Inang Simbahan ang katarungang panlahat.
“We are all committed and do all that what we can that’s a broad statement to stop this. And in the concrete there are procedures on what to do chosing words carefully to bring justice to all,” ani Archbishop Valles.
Sa paliwanag ni Father Getty Ferrer, Canon Lawyer ng Diyosesis ng San Jose Nueva Ecija na ang paglilitis sa simbahan ay sa pamamagitan ng ‘tribunal’ na pinangangasiwaan ng Obispo ng nakakasakop na diocese o isang kinatawan na itatalaga ng Obispo na eksperto sa batas ng Simbahan.
Habang sa bagong kautusan ng Kan’yang Kabanalan Francisco maging Obispo ng diyosesis ay maaring mahaharap sa kauukulang parusa kung bigo itong resolbahin ang kasong pang-aabuso na kinsangkutan ng nasasakupang Pari.
Dahil dito, hinimok ng pangulo ng CBCP ang bawat mananampalataya na huwag matakot ipagbigay alam sa mga opisyal ng Simbahan at maging sa otoridad kung makaranas ng pang-aabuso sa mga lingkod ng Simbahan at tiniyak na nakahandang makinig ang kanilang hanay upang makamtan ang biyaya ng pagpapatawad.
“Do not be afraid, young people do not be afraid, go to your Bishops, go to your priests and be open and unburden your hurting situation. I am sure that they would listen to you, we are ready to ask for your forgiveness because in this forgiveness is the power of healing, grace coming from the Lord,” ani ni Archbishop Valles.
Magugunitang sa isinagawang February Summit on Sexual Abuse sa Vatican na Protection on Minors tinalakay dito ang mga hakbangin na mahinto ang pang-aabusong sekswal sa mga kabataan.
Una nang hinatulang nagkasala ng hukuman si US Cardinal Theodore McCarrick at Australian Cardinal George Pell dahil sa kaso ng pang-aabuso.