356 total views
Ito ang panawagan at paanyaya ng Diocese ng San Carlos bilang pakikiisa sa paggunita sa International Human Rights Day, sa ika-10 ng Disyembre na may temang Recover Better-Stand Up for Human Rights.
Ayon sa pastoral message ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, naniniwala ito na ang paglaban at paninindigan para sa karapatan ng bawat mamamayan ang paraan upang mas muling makabangon sa gitna ng krisis dulot ng pandemya.
Ayon kay Bishop Alminaza, patuloy na pinaninindigan ng Diyosesis na ang karapatan sa buhay ay dapat na mapangalagaan ng batas at ng mga institusyon.
Pagbabahagi ng Obispo na patuloy pa rin silang naghahanap ng katarungan sa pagpaslang sa ilang indibidwal ng negros island, lalo na kina Atty. Ben Ramos, Ka Toto Patigas, Zara Alvarez at iba pa.
“Our diocese speaks consistently that the right to life should be protected by law and by institutions. Yet until today, our cries “to end the killings” in the Negros Island remain unheeded. We are still seeking justice for the deaths of Atty. Ben Ramos, Ka Toto Patigas, Zara Alvarez and many more,” ayon kay Bishop Alminaza.
Ayon pa sa Obispo, “The unresolved extrajudicial killings of thousands of Filipinos should challenge our consciences: Where is life? Where is human rights? Where is justice?”
Paliwanag naman ni Bishop Alminaza na mas magiging makabuluhan ang paggunita sa International Human Rights Day kapag inunawa ng mabuti ang sinabi ni Propeta Isaias na matutong gumawa ng mabuti sa paninindigan sa karapatang pantao bilang unang hakbang tungo sa totoong paglilingkod.
Ginugunita ang International Human Rights Day tuwing ika-10 ng Disyembre na araw kung kailan pinagtibay ng United Nations General Assembly ang Universal Declaration of Human Rights o pandaigdigang pahayag ng mga karapatan ng tao.
Mariing naninindigan ang simbahang katolika sa pagbibigay halaga sa karapatang pantao at sa mismong buhay ng bawat nilalang na kaloob ng panginoon sa sangkatauhan.