769 total views
Ilulunsad ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas (SLP) ang isang online webinar sa paggunita ng World day of the Poor sa ika-12 ng Nobyembre 2022.
Inihayag ni Jun Cruz, pangulo ng S-L-P na layon nitong mapalalim ang kaalaman ng mamamayan at mga kasapi ng S-L-P sa mga ginagawa ng simbahan upang tugunan ang suliranin ng kahirapan sa bansa.
Hangarin din ng “online webinar” na mapukaw ang damdamin ng bawat isa na makibahagi sa mga inisyatibong isinusulong ng simbahan para mapabuti ang kalidad ng pamumuhay ng mga mahihirap.
Tampok na taga-pagsalita sa webinar ang mga kinatawan ng Pondo ng Pinoy at Alay Kapwa.
Idadaos ang webinar via zoom na bukas sa mga kasapi ng S-L-P at matunghayan ng publiko sa official facebook page ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas sa November 12 simula ika-2 hanggang ika-4 ng hapon.
Sa paggunita ng ika-6 na World Day of the Poor sa ika-13 ng Nobyembre, palalaganapin pa ng ibat-ibang dioceses at archdioceses ng simbahan sa bansa ang mga pro-poor program.
Sa Archdiocese of Lipa, nasimulan na ang mga MALASAKIT Bazaar.
Inihayag naman Father Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila na pagtutuunan ng Social Arm ng Archdiocese of Manila ang pagsusulong ng mga livelihood program at kooperatiba sa mga Parokya upang mapabuti ang estado ng pamumuhay ng mga mahihirap.