5,747 total views
Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle
Nov.30, 2017 – Thursday
Minamahal na mga Kapatid sa Panginoong Hesukristo, una po sa lahat magpasalamat tayo sa Diyos sa Kaniyang kabutihan sa atin, sa ating mga parokya, sa ating mahal na Archdiocese of Manila. Lahat ng papuri ay sa Panginoon. Nagpapasalamat din po tayo dahil tinipon nya tayo sa araw na ito ang kapistahan ng dakilang apostol at martir si San Andres na kapatid ni San Pedro.
At ngayon din po, sabi nga sa simula ng misa ating sinasaran ang Taon ng Parokya bilang Communion of Communities at binubuksan ang Taon ng Kaparian at mga konsagradong mga tao. Pero hindi po ito sara-bukas, yun lang ating tawag kasi sa totoo po tayo ay nasa paglalakbay bilang sambayanan ng Diyos dito sa Manila- siyam na taon tayong inanyayahan na maglakbay, pilgrimage. Dahil sa 2021 ay atin pong ipagdiriwang ang ika-500 taon ng pagsapit ng pananampalatayang Kristiyano sa Pilipinas. At sa kahit na anong paglalakbay meron pong mga importanteng lugar parahon na tayo ay tumitigi, nagmamasid at kapag lumipat ng lugar hindi ibig sabihin binura na iyong unang tinigilan o pinuntahan.
Ganun din po, huwag nating iisipin na tapos na pala ang Year of the Parish… o sige, tapos na ang taon, sarado na ang taon pwede na tayo magpabandying-bandying sa parokya. Hindi na naman yan ang taon e, dahil ngayon ay taon na ng mga pari at religious consecrated people, sila na lang ang ating tititigan, wag na ang parokya. Ay hindi po, magkarugtong po ‘yan, magkarugtong. SApagkat ang parokya as communion of communities katulad ng naging saksi kanina, mga pamilya, eskwela, mga organisasyon, mga movements, mga BEC’s lahat ng mga communities na nagbubuklod-buklod communion sa isang parokya diyan din po sa bukluran na yan nakikita natin ang iba’t ibang kaloob o gifts of the Holy Spirit. At iba’t ibang mga tawag para sa paglilingkod tungo sa iisang misyon ng simbahan na walang iba kundi evangelization. Iisa ang misyon, iba-iba ang gumagawa dahil iba-iba rin naman ang tawag at iba-iba ang ating paglilingkod pero communion pa rin.
Ginawa ko na ito dati e, pero tanungin ko sa inyo ano ho, sino sa inyo ang pinagkalooban kahit papaano ng gift na kumanta para sa kapurihan ng Diyos? Taas po ang kamay, wag nyo ikahiya ‘yan. Huwag lang sa banyo kakanta. Ialay ‘yan para sa Panginoon. Sino ang magaling sa Mathematics? ‘Yun magaling gamitin ‘yan baka makatulong ‘yan sa accounting sa parokya. Sino ang marunong sumayaw? Ayun ang dami ha. Okay, magpapasko na bumisita tayo sa mga home for the elderly sa mga orphanages at sumayaw-sayaw. Para lumigaya ang mga tao. Sino ang marunong magluto? Pumunta sa mga feeding centers. Pumunta sa Hapag-asa. Pumunta sa mga jail. Maghandog ng ating pinagpaguran na masarap na pagkain. Sino ang may gift na maganang kumain? Okay, iyan communion talaga. Nagbubuklod-buklod ano ho? Dyan may asawa man, binata, dalaga, madre, pari, lay parang lahat tayo may gift to eat, may appetite to eat. Pero sana hindi tayo makakakain ng hindi rin nagbabahagi. Sana kung gaano kalakas ‘yung appetite sa masasarap na pagkain, sana ganun din ang appetite…gusto kong kainin ang Salita ng Diyos! Gusto kong inumin ang Espiritu Santo! Gusto kong maging sustansya ng buhay ko ang katotohanan, ang katarungan, ang pagdamay, ang pagkain na nagbibigay buhay. Hindi pupuwedeng masarap lang akong kumain kapag pork chop. Pero kapag ang kakainin na …ay ang Salita ng Diyos na ang sinasabi ay ibigay mo sa mga dukha ang kalahati ng iyong ari-arian… nabibilaukan na. Hindi na masikmura, ano po? Sa parokya ang daming gifts, sa pamilya ang daming gifts. Yung gifts na ‘yun ay dapat na ibinibigay para maging communion of service and mission. Walang tao na kayang magmisyon ng nag-iisa. Walang community na kayang ipalaganap ang Mabuting Balita sa ating lipunan at mundo ng paisa-isa. Kailangan ng communion. At iyan po ang ipinagdiwang natin nitong nakaraang taon, hindi ‘yan natatapos. Itutuloy ‘yan. Itutuloy.
At sa taong ito po, atin pinasasalamatan ang Diyos na sa loob ng communion of the church meron Siyang mga tinawag na maging consecrated people at maging mga pari para maglingkod sa sambayanan bilang mga evangelizers. Pero hindi lang po kaming mga pari at consecrated people ang tinatawagan magpahayag ng Mabuting Balita. Nakita natin sa testimonies kanina. Sino ang unang nag-evangelize sa madre na si Sister Bernadette (Casas)? Sino ang nag-evangelize sa isang Msgr. Bong Lo? Ang magulang, ang mga kapatid, ang mga teachers. Ang mga pari at religious bunga rin ng evangelization ng maraming tao. Kaya po bilang ganti ng pasasalamat, iniaalay naman ng mga pari at religious sa sambayanan ang natanggap nila sa sambayanan. Exchange gift po ‘yan, exchange gifts. Kaya sa taon ng mga pari at consecrated people sana po tuloy tayong lahat. Siyatin, ano ang aking natanggap na kaloob mula sa Espiritu Santo na akin namang maiaambag sa buong sambayanan? Para in the spirit of communion lahat tayo nagmimisyon, lahat tayo nahuhubog, lahat tayo nakikilahok sa iba’t ibang pamamaraan, iba’t ibang larangan, iba’t ibang strata ng buhay sa iba’t ibang sulok ng lipunan. Lahat tayo nagdadala ng Mabuting Balita hanggang manuot, manuot ang Salita ng Diyos sa lahat ng sulok ng ating lipunan pero kailangan ‘yan, action, mission in communion.
Maganda po ang ating fiesta. Fiesta ni San Andres, apostol, missionary, evangelizer. Sabi ko nga po sa kaparian kahapon iyong salitang Ebanghelyo, yung salitang evangelize, ibig sabihin po naman e simple lang e, magbahagi ng Mabuting Balita. Natural po sa atin ‘yan e. ‘Yung mabuting balita, ibinabalita mo agad. Minsan mabigat pakinggan e. Evangelizers! Kaya kapag inimbitahan tayo. Pwede ka ba, maging isa sa evangelizers? Nanginginig tayo, hindi ko kaya ‘yan. Kaya mo ‘yan e. Araw-araw mo ginagawa ‘yan e. Nabalitaan mo, 50 percent discount sa isang mall, tatawag ka kaagad. Huy! Shopping tayo! May 50 percent discount, ‘yan evangelizer. Good news! O, nakapunta ka sa isang restaurant, ang sarap pero mura. Tawag ka kaagad sa iyong kaibigan. Huy! Punta kayo doon habang may ano pa… mura lang masarap. ‘Yun yun, evangelizer. Kinindatan ka dito sa Rizal Memorial ng crush mo, kala mo di ka pinapansin pero nakita ka tapos kinindatan ka pa. Palagay ko kanina tinext mo na agad yan. Kinindatan ako, kinindatan ako. O, evangelizer. Minsan pinahihirap pa natin e, ‘yun lang naman ‘yun e. Ang problema, meron pa nga tayong nakikita naririnig at nararamdaman na mabuting balita. Lalu na ang Mabuting Baita ni Hesukristo.
Sa kapistahan ni San Andres, lalu na batay sa mga pag-basa, ilang mga paalala po. Una, papaano ba maging evangelizer? Paano nga ba ako magbibigay, magbabahagi ng mabuting balita, kung una naranasan ko ang mabuting balita. Naranasan ko si Hesus. Tinawag Niya ako, tinitigan Niya ako. Nabighani ako. Sumunod ako. Si San Andres daw, nakita ni Hesus, tinawag ni Hesus. Nabighani kay Hesus, sumunod kay Hesus sa Galilea. Mga kapatid, saan ang iyong Galilea? Kanina sina Sister at sina Monsignor nagkwento sila ng kanilang Galilea, sa kanilang bahay, sa kanilang paaralan, tayo po saan ang iyong Galilee? Di ba ho, ‘yung mga mag-asawa, magnobyo pag anibersaryo ninyo kalimitan kumakain kayo doon sa karinderya kung saan kayo unang nagkita. At ang inoorder nyo, yun pa ring lumpia na dati inyong pinagsaluhan. Wow! Saan ang Galilea natin? Saan? Go back to Galilee, encounter Jesus again. Let him encounter us again. And when that happens, ano ho? Ang susunod na nabighani ka katulad ni Andres at San Pedro at ni Santiago at ni San Juan, iniwan na lahat. Kapag natagpuan ka ni Hesus at natagpuan natin si Hesus natagpuan mo na ang pinakamahalaga.
Pero minsan pabalik-balik tayo, ‘yung nabitawan na binabalikan pa. ‘Yung iniwan na kakapitan muli, baka pwede nating maalala natin ‘yun. Ano ba ‘yung dating naiwanan ko na, pero bakit ba naman nagiging hadlang sa aking pagsunod kay Hesus ngayon dahil parati ko pa ring binabalik-balikan at iyon po ay hindi lamang yaman. Minsan po ay kapritso, minsan sama ng loob. Kaya hindi tayo makapagmisyon. Ayaw pang iwanan ang sama ng loob. Pag nakikita, ‘yung presidente ngayon ng pastoral council na pumalit sa akin. Galit na galit! Bakit ako napalitan? E mas magaling ako, pwede ba iwanan na ‘yan. Twenty years ago ka na napalitan. Hanggang ngayon di ka pa maka-move on. Ano ho. Ano ‘yung dapat iwanan kasi nabighani ka na kay Hesus at tuloy-tuloy ang pagkabighani. Ikatlo po, sabi ni San Juan sa ebanghelyo ni San Juan ang unang nakakilala kay Hesus ay si Andres at ginawa ni San Andres tinawag niya ang kaniyang kapatid na si Simon, ang sabi niya, Oy nakilala na namin ang Mesias. Siya ang nagdala kay Pedro patungo kay Hesus. Ganyan ang misyon mag akay ka palapit kay Hesus. At ano nga ang nangyari mas naging best friend pa ni Hesus si Pedro. Masama ba ang loob ni Andres? Palagay ko hindi. Nagsisi ba si Andres..na bakit ba kasi pinakila-kilala ko pa itong si Simon kay Hesus. Kung hindi ko ipinakilala ‘yan, baka ako ang unang Papa. E ngayon ipinakilala ko, siya ngayon. E baka dahil naman sa ambisyon, kalimutan ang misyon. Mamili tayo, ambisyon o misyon? Hindi tayo sinusugo sa ambisyon, sinusugo tayo sa misyon.
Kaya mga kapatid na pari, mga religious…mission not ambition. Bakit sya ang naging superiora? Bakit hindi ako? Ako may M.A. sya college graduate lang. ay naku! Misyon, hindi ambisyon. Hay naku po. Tama na! Titigil na ako dito, mayroon pang mahabang taon para ang mission, evangelization ng ating lipunan sa pagtutulung-tulungan natin as a community in communion sa patnubay ng mga pari at sa testimony ng mga consecrated people. Hopefully sabi ko nga kanina tayong lahat nag-e-evangelize. Hindi nag-iiwanan. Nagtutulungan. At pakiusap po sa mga pamilya sana po mainspire ninyo ang inyong mga anak at apo. Pakiusap sa mga BEC, sa mga movements, organizations sana po ma-inspire ninyo po ang mga taong pinaglilungkuran ninyo na isipin man lang ang bokasyon, sa consecrated life at pagpapari, huwag lamang pagiging engineer, pagdo-doctor, pagpunta sa abroad. Isipin din sana, ialay ang buhay as consecrated people at maglingkod bilang pari.
At panghuli po, homework kasi evangelization ang Metro Manila po ay isa sa malalaking metropolitan areas of the world, papaano ang evangelization, paano ang panunuot ng mabuting balita sa katulad natin maraming transients maraming mahihirap, maraming nabibiktima ng kalamidad, natural man o kagagawan ng tao. Papaano ho. Sana ngayong taon tulungan nyo kaming mga pari at religious. Papano mas magiging epektibo ang pagpapahayag ng mabuting balita. Magbibigay ako ng halimbawa, ang mga parabula ni Hesus. Sinasabi nya ang paghahari ng diyos ay tulad ng buto ng mustasa, mustard seed. E dito po sa metropolitan area, nakakakita pa ba ng buto ng mustasa? Ang nakikita natin dito ay mustard spread para sa hotdog. Sabi ni Hesus sa huling paghuhukom hahatiin ang mga kambing at mga tupa. Nakakakita pa ba ng kambing at tupa dito? Sasabihin sa pagbasa, ang mga sulat ni San Pablo sa taga Roma. May sumusulat pa ba? O bakit sabihin natin ang e-mail ni San Pablo sa mga taga-Roma baka maintindihan pa. O ang text ni San Pablo sa mga Tesalonica. Nakukuha nyo po ba ang sinasabi ko ho? Hindi ito problema, opportunity! Papano ipahahayag ang Mabuting Balita sa mundo na hindi na agricultural. Isang mungkahi ko nga sana e, nandyan si Fr. Jason, pag-aralan natin sa Bibliya at sa ngayon ano ba ang city, siyudad Jerusalem is a city. Ninebeh is a city. Babel is a city. What is a role of a city in the plan of God? And how do you evangelize based cities metropolitan areas where the original messages are from the rural areas?
Tama na, baka maghanap na kayo ng mustard and hotdog. Pero sana po ituloy natin ang journey. Ituloy ang paglalakbay, sama-sama. At kami pong mga pari, religious consecrated people, and members of societies of apostolic life…We want to thank, maraming salamat po sa inyo mga dakilang lay people. Sa inyo pong pagmamahal. Sa inyo po kami nagmula. Kayo po ang humubog sa amin. Salamat din sa inyong patuloy na suporta, pag-unawa, pagpapatawad at pagtitiyaga. Huwag po kayong manghihiwa, tulungan ninyo po kami para kami makapaglingkod sa inyo at sa bayan ng Diyos nang nararapat.
Tayo po ay tumahimik sandali at sa pamamagitan ng panalangin ni San Andres hilingin natin na tayo ay maging karapat dapat na tagapaghatid ng Mabuting Balita.