25,000 total views
Ibigay sa mga kabataan ang wholistic formation.
Ito ang mensahe ng kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga Catholic schools sa pagbubukas ng klase ngayong taon.
Unang pinaalalahanan ng kanyang Kabunyian ang mga kabataang mag-aaral na bilang bahagi ng catholic education ay dapat unang matutunan ang pagpapakumbaba, maging maliit, handang matuto at magpagabay at hindi ipagyayabang ang pinag- aralan o natamo.
āNakakalungkot, kung sino yung nag-aral ang hindi nakakaintindi sa turo ni Jesus, sino yung nakakaintindi kundi ang mga little one, yung mga mapag-pakumbaba. Sa ordinaryong buhay kapag ang tao ang tingin sa sarili ay magaling alam na niya lahat, iyan ang taong hindi na matututo. Pero yung nanatiling little one, diko pa alam yan, magpapaturo yan, magpapagabay, matutu iyan.āpaliwanag ni Cardinal Tagle
Mensahe naman ng Kardinal sa mga Catholic school na malaking hamon na hubugin ang puso at kalooban ng mga kabataan upang magkaroon ng kalooban tulad kay Hesus.
āThat is the whole point of Education especially Catholic Education the formation of the whole person. The formation of the loob, of the mind, of the emotion, of spontaneity, of vision, of world views, of relationships all of them emanating from the heart (loob) and our feat today reminds us for Jesus himself said in the gospelā Come learn from me for I am me and humble of heart. Education forms the heart, but Jesus said āLearn from my heart, learn from my person and a real way Christian Education is forming minds, heart relationships, consciences, values system. So remain little, remain humble the humble one will aspire to learn more, the proud one will stop learning.āpahayag ng Kardinal
Binigyan diin ni Cardinal Tagle na kamangha-mangha para sa kanya ang mga estudyante at taong napakagaling ngunit mapagkumbaba.
āThe measure of true learning with is the wisdom the measure that I had been formed is that I remain humble and I do not use my education to create a great distance between me and others. Jesus tells us learn from me and I am and humble of heart, lalo na po ang mga studyante ng mga Catholic school, makita sana sa atin na napakagaling mo pero sana hindi sila magulat, hindi sila mamangha sa galing niya, mamangha sila na nakakatuwa ang galing niya pero mapagpakumbaba pa rin, iyon ang kamangha-mangha kahit magaling ka nanantili ka pa ding mababa ang loob.āpaliwanag ng Kardinal
Pinaalalahanan ni Cardinal Tagle ang mga kabataan sa mga catholic school na dapat matutunan ang pag- aalis ng diskriminasyon, matutunang mahalin at tanggapin ang kapwa na walang kuwalipikasyon.
āDear studentās ang mundo natin ngayon ay nasisisra dahil sa daming mayayabang,huwag na nating dagdagan. We do not set up Catholic School in-order to produce people who pretend to be wise, who pretend to be learned and who misused their Education in order to lorded over others, and promote self interest no! the more learned you are the more formed you are in Catholic Institution the more Christ like we should be.āpaalala ni Cardinal Tagle
Umaasa si Cardinal Tagle na sa pamamagitan ng Catholic at Christian education ay matutunan ng mga katolikong estudyante ang paggalang sa kapwa tao, mahalin at pagsilbihan ang kapwa ng walang diskriminasyon.
āSana saating Catholic education and Christian education we get information, values, service, and relationship.We learn how to respect every human life, every human person, we learn how to love and serve every person, not only does who past in our criteria and does who are to our natural liking. Ang mundo natin ngayon ang daming discrimination, ang daming blaming, takot na takot sa ganitong tao, takot na takot sa ganitong region, wala pa naman nakakausap na tao na galing sa ganitong grupo.Before we encounter a living person we already have a wall, please Jesus died for all, Jesus heart was wounded and was open so that all people may entry the love of God.āpagninilay ng Kardinal
Samantala mula 2011, itinuturing ang Simbahan na āworld’s largest non-governmental school systemā at noong 2016, ang Simbahang Katolika ay mayroong 43,800 secondary chools at 95,200 primary schools.