19,100 total views
Matapos ang 37 taon, patuloy pa rin ang ipinaglalaban ng milyun-milyong Pilipino sa EDSA.
Nakamit man ng mga Pilipino ang kalayaan mula sa diktaduryang Marcos ay umiiral pa rin sa Pilipinas ang kawalan ng katarungan, tyranny at laganap na kahirapan.
Binigyan-diin ni Rev. Fr. Jerome Secillano, rector ng Shrine of Mary, Queen of Peace, Our Lady of EDSA at executive secretary Catholic Bishops Conference of the Philippines-Permanent Committee on Public Affairs na ang makasaysayang EDSA ay hindi lamang isang lugar.
Ayon kay Fr.Secillano, ang EDSA ay isang advocacy para sa good governance at call for justice and peace.
Ipinaliwanag ng Pari na ang EDSA ay isang movement against tyranny, at patuloy na pangarap ng mga Pilipino na mamuhay sa isang mapayapa at maayos na bansa na kinikilala ang karapatang pantao.
“Edsa is not just a place. It’s an advocacy for good governance, a call for justice and peace, a movement against tyranny, an aspiration for a better country,” pagbibigay-diin ni Fr. Secillano.
Bilang bahagi ng makasaysayang EDSA bloodless revolution at paggunita sa ika-37 taong anniversary ng EDSA People Power revolution, ilulunsad ng Radio Veritas846 at Shrine of Mary ang “VERITASAN sa EDSA Shrine” na may temang “WHY CELEBRATE EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION”.
Ang VERITASAN ay isang “no holds barred” program ng Radio Veritas sa pangunguna ni Fr. Jerome Secillano bilang host at moderator.
Confirmed live guests sa VERITASAN sa EDSA Shrine sina:
RENE SARMIENTO
FORMER COMELEC COMMISSIONER
FORMER PPCRV CHAIRMAN
FRAMER OF 1987 CONSTITUTION
SISTER MARY JOHN MANANZAN, O.S.B
DIRECTOR INSTITUTE OF WOMEN STUDIES OF ST. SCHOLASTICA’S COLLEGE
CHAIRMAN EMERITUS GABRIELA
Mapapakinggan live ang VERITASAN sa VERITAS 846AM, DZRV846 FB page,Sky cable channel 211,Cignal channel 313 at TV Maria.