45,108 total views
Nagpapasalamat si Kalookan Bishop Pablo Virgilio David sa paglaya ni dating Senator Leila De Lima.
Ayon kay Bishop David na siya ring pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) isa itong magandang balita lalo’t matagal nang nakakulong ang dating mambabatas sa kabila ng pagbawi ng ilang testigo sa kanilang testimonya laban kay de Lima.
“Praise God for this good news!,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop David sa Radio Veritas.
Sa ulat, bukod kay de Lima pinayagan din ng Muntinlupa Regional Trial Court ang mga kasama niyang akusado na sina former Bureau of Corrections chief Franklin Bucayu, dating driver-body guard Ronnie Dayan, police asset Jose Adrian Dera at security aide Jonnel Sanchez na maglagak ng piyansa na nagkakahalaga ng P300,000.
Dismayado rin ang obispo lalo’t napakahabang panahon bago pinayagan ng hukuman ang paglalagak ng piyansa.
“But why only now? Why did it have to take this long for her to be granted bail? This case has made it so obvious that something is very wrong about our justice system,” ayon kay Bishop David.
February 2017 ng sampahan ng kaso at arestuhin si De Lima kaugnay sa illegal na droga, kabilang na ang sinasabing pagbebenta ng illegal na droga ng mga bilanggo sa New Bilibid Prison para pondohan ang pagtakbo bilang senador noong 20116.
Sa kasalukuyan, isa na lamang sa tatlong kaso ang kinakarahap ni De Lima, makaraan na ring mapawalang sala ng hukuman sa ilang kinasasangkutan gayundin ang pagbawi ng mga testimonya ng mga testigo na nagdiin sa dating mambabatas.
Kabilang na sa mga bumawi ng kanilang testimonya si ang sinasabing drug lord na si Kerwin Espinosa, dating BuCor Chief Rafael RAgos, at mga dating pulis na sina Rodolfo Magleo at Nonilo Arile.