404 total views
Suportado ng CBCP – Episcopal Commission on Mission ang target na paglikha ng 7.5 milyong bagong trabaho sa mga Pilipino sa taong 2022 bilang tugon o “win-win” solution sa panig ng mga employers para wakasan na ang labor contractualization o endo sa bansa.
Ayon kay Sorsogon Bishop Arturo Bastes, chairman ng komisyon, nakikiusap ito sa mga kumpanya na makiisa sa adhikain na ito ng kasalukuyang administrasyon upang mabigyan ng magandang benepisyo ang mga manggagawang kontratuwal at maging ganap ng regular.
Hiniling rin nito sa mga negosyante na huwag pairalin ang kasakiman kundi magmalasakit sa kanilang manggagawa lalo’t nakatutulong naman sa kanilang kinikita ang pagsigla ng ekonomiya ng bansa.
“I like the idea of ending this endo this is really a very good thing and I hope that these companies will participate in the government, that they are honest, that they can abhor it really. And this is possible because the Philippines is supposed to be growing economically, growing in our wealth in our being by supporting people to the unjust company that are greedy. They will refuse to do that, but if the vice of greed is there they will all refuse. Only if there is really a fare chance for ordinary people to be regularized this is the best and I hope that the reason for the company not to follow that they are really guilty in greed and there is so much for themselves and not thinking the welfare of our people,” pahayag ni Bishop Bastes sa panayam ng Radyo Veritas.
Samantala, sa katatapos lamang na Trabaho, Negosyo at Kabuhayan (TNK) – Employment and Livelihood Summit sa Taguig City, sinabi ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez na kailangang taasan ng mga service providers ang kanilang kapital sa P5 milyong piso mula sa dating P3 milyong piso bilang katugunan sa “win-win” solution sa endo.
Iniulat rin sa naturang summit ng DOLE o Department of Labor and Employment na 30 libong contractual workers ang naging regular matapos na simulan ng Duterte administartion ang kampanya kontra endo.
Gayunman, nauna na ring hinimok ni CBCP – Permanent Committee on Public Affairs chairman at Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo ang pamahalaan na seryosohin nito ang naipangako sa mga manggagawang kontraktuwal.