539 total views
Kapanalig, isa sa mga sektor na namamayagpag sa ating bansa ay ang woodcraft at furniture industry ng bayan. Ang sektor na ito ay isa sa ating mga “sources of pride” dahil marami sa mga hanay nito ay mga malikhaing Pilipino na nakikipagtunggali sa global arena.
Ang woodcraft at furniture kapanalig, ay isa mga “drivers of growth” ng ating export industry. Makikita na lamang ito sa maraming mga lugar sa Bulacan, Cebu, at Pampanga, kung saan nanggagaling ang napakaganda at natatanging mga mwebles na dinadayo pa ng mga locals at foreigners. Ang ating bansa nga ang isa sa nakikilang producers ng mga magaganda at matitibay na muwebles o furnitures, at ang design ng ating mga kababayan ay makikita sa mga maraming mga hotels at kahit pa bahay ng mga international celebrities.
Base sa opisyal na datos, nitong Mayo 2016, ang woodcrafts and furniture ay top four export ng Pilipinas. 6.4 percent ang share o bahagi nito sa ating total export sales. Umabot ng $303.69 million ang kita mula sa woodcrafts and furniture noong Mayo 2016. Ito ay tumaas ng 49.7% mula Mayo 2015, kung saan umaabot ng $202.86 million ang kita nito.
Kapanalig, paano ba natin maalagaan ang industriya na ito? Paano ba natin ito matutulungan pang umangat sa darating na panahon?
Unang una kapanalig, kailangang masiguro natin na ang kakayahan at craftsmanship ng ating mga furniture makers ay mamintina at maiangat pa. Ang woodcrafts at furniture ay isang niche market. Kaunti lamang ang nagnanais na magpakadalubhasa sa pag-gawa nito. Ang mga namamayagpag ngayon sa industiya ay yaong may “passion” at dedikasyon sa sining na ito. Maganda sana na ang mga susunod na henerasyon ay may motibasyon, interes, at kasanayan na maipagpatuloy ang naukit na “niche” o pwesto ng ating magagaling na furniture makers.
Pangalawa, ang kamahalan din ng mga raw materials ay isa sa mga balakid sa pag-gawa ng mga de kalidad na muwebles. Sa ganang ito, maganda rin na may mga lokal at nasyonal na polisiya na makakutulong upang mapigilan ang mabilisang pagtaas ng mga materyales. Maganda rin na may mga insentibo ang mga furniture makers upang gumamit sa malikhaing paraan ng mga materyales na highly available o mga recycled na. Sa ganitong stratehiya, maalagaan ang kalikasan at makaka-halina pa ng panibagong merkado o kustomers ang mga furniture makers.
Ang marketing din, kapanalig, ay mahirap, lalo sa mga maliitang mga furniture makers. Karaniwan, word of mouth lamang ang natatanging promosyon. Sa gitna ng umiigting na kompetisyon mula sa ibang bansa, kulang na kulang na ito. Kailangang mabigyan din sila tulong sa aspetong ito. Halimbawa, maaring isabay sa promosyon ng turismo ng bansa sa ang promosyon din ng mga pangunahing produkto nito gaya ng muwebles. Kasabay ng pagtulong sa promosyon ay ang pagtulong din sa ekspansyon. Maraming maliit na furniture makers ang hirap ibigay ang demand ng mga customers dahil kailangan ng mas malaking kapital.
Kapanalig, hindi taliwas sa ating pananalig ang pangangalaga ng mga negosyo na nagdudulot ng kabutihan sa mas maraming mamamayan. Sa katotohanan, ginagabayan tayo ng Panlipunang Turo ng Simbahan na isulong ang panlipunang katarungan sa larangan ng negosyo at merkado. Ayon sa Populorum Progressio: Individual initiative alone and the mere free play of competition could never assure successful development. One must avoid the risk of increasing still more the wealth of the rich and the dominion of the strong, whilst leaving the poor in their misery and adding to the servitude of the oppressed. Pina-aalahanan tayo nito na tulungan ang mga maliit na negosyo, dahil ayon naman sa Centissiums Annus: There are needs and common goods that cannot be satisfied by the market system. It is the task of the state and of all society to defend them. Nawa’y tanggapin natin ang hamon na ito, at isulong ang mga maliit na industriya na tumutulong sa pagsulong ng maliit na mamamayan at ng buong bayan.