229 total views
Ito ang naging rekomendasyon ni CBCP – Episcopal Commission on the Laity chairman at Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo sa planong pag – phase out sa Conditional Cash Transfer Program o mas kilala bilang 4Ps o Pantawid Pamilya Pilipino Program.
Ayon kay Bishop Pabillo, mas maganda kung ang perang ibinibigay sa mga benipisyaryo ng 4Ps ay kanila mismong pinagpaguran tulad ng pagkakaloob ng trabaho at paglulunsad ng ng mga trabaho sa mga manggagawa.
“Mas maganda talaga yung ‘food for work’ nabibigyan ng trabaho tapos nabibigyan ng pera. At kahit hindi yung mga livelihood basta mabigyan ng [trabaho]. Puwede naman yung kung maraming kailangang linisin sa ating mga barangay, ayusin ang mga barangay natin, yung mga daan ng barangay natin. Puwedeng sabihing ‘magtrabaho kayo ng ganitong oras at bibigyan kayo ng ganyang pera’. So, mas dignified pa yun.”pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radyo Veritas.
Iginiit rin ni Apostolic Vicariate of Puerto Prinsesa Bishop Emeritus Pedro Arigo na makabubuti ring unti – untiin ang pagphase – out ng programa sa pagkakaloob naman ng alternatibong proyekto.
“Mga income generating yung livelihood projects. Ngayon kung biglang – kasi for some time naka – naka-asa iyang mga taong yan. Siguro kailangan ay unti-unti, gradual na phasing out. Na in the mean time, may mga programs na ginagawa, para itong mga taong ito e maging ano independent and self reliant.” Giit pa ni Bishop Arigo sa panayam ng Veritas Patrol.
Samantala, ang 4Ps ay ipinatutupad sa 17 rehiyon sa bansa at nito lamang 2015 ay umabot na sa mahigit apat na milyon ang mga rehistradong benepisyaryo nito.
Naninindigan ang mga Obispo na ang dole out system ng pamahalaan ay lumilikha ng kultura ng katamaran sa bansa.