149 total views
Pangungunahan ng Kaniyang Kabanalan Francisco ang pagdiriwang ng misa kaugnay sa ika-104 na World Day of Migrants and Refugees sa St. Peters Basilica sa ika-14 ng Enero alas-10 ng umaga.
Kasabay nito, ilulunsad din ng Missionary Sisters of the St. Charles- Scalabrinians ang pagsisindi ng kandila bilang suporta sa mga migrante sa kanilang paglalakbay sa paghahanap ng pag-asa at payapang tahanan.
“This year, we invite all to light a candle or a candle, real or virtual, in front the windows their houses or on the pages of the social media, in the evening between the 14th and 15th January,” pahayag ni Sister Neusa de Fatima Mariano, ang superior general ng Scalabrinians.
Paliwanag pa ng madre, ang pag-aalay ng kandila ay isang maliit na hakbang para ipadama sa mga migrante na umaalis sa kanilang tahanan at naglalakbay para makahanap ng matitirhan upang mailigtas ang kanilang mga pamilya mula sa karahasan at kagutuman.
“Migrants are the protagonists of the journey in which they put at risk all what they have most and what is precious, that is their life,” ayon pa sa pahayag.
Paliwanag pa ni Sr. Neusa; “As fact, it is not only the migrants in the Mediterranean. The frontiers of the world are many: starting from North and Central America, with the border between Mexico and the USA, then moving on to the dramas that are being experienced in Africa and in Asia, which Pope Francis himself has recently visited. The world must become aware that migration is a human fact and managing and supporting it is a fact of humanity.”
Una na ring hinikayat ni Pope Francis ang bawat bansa, maging ang mga mamamayan na ibukas ang pintuan para sa mga migrante at bigyan sila ng kaukulang pagkalinga, pagpapahalaga at tahanan.
Taong 2017 nang dumalaw si Pope Francis sa Myanmar at Bangladesh kung saan nagaganap ang paglikas ng minorya ng Rohingya Muslim dahil sa sinasabing etnikong paglilinis ng Myanmar.
Tinatayang higit sa 620,000 Rohingyan ang naging mga ‘refugee’ na nagtutungo sa Bangladesh dahil sa karahasan na nagsimula noong August 2017.