491 total views
Umapela ang Kanyang Kabanalan Francisco sa lider ng mga bansa na pangunahan ang paglulunsad ng mga programang puprotekta sa kalikasan.
Ito ang mensahe ng Santo Papa sa pagdiriwang ng Earth Day nitong Abril 22.
Umaasa sivPope Francis na kumilos ang mga namumuno ng bayan para sa kapakanan ng mamamayan upang maiwasan ang pagkasira ng kalikasan na lubhang mapanganib sa bawat tao.
“I also join you in an appeal to all the leaders of the world to act with courage, to act with justice and to always tell people the truth, so that people know how to protect themselves from the destruction of the planet, how to protect the planet from the destruction that we very often trigger,” bahagi ng mensahe ni Pope Francis.
Sa pagninilay pa ng Santo Papa binigyang diin nito ang paghilom na naranasan ng kapaligiran nakaraang magpatupad ng lockdown ang buong mundo dahil sa paglaganap ng coronavirus pandemic.
Paliwanag ng punong pastol ng simbahan na isang aral na dulot ng pandemya ang pagiging kabahagi ng tao sa kalikasan kaya’t dapat na higit itong pangalagaan.
“COVID pandemic taught us about this interdependence, this sharing of the planet; For some time now we have been becoming more aware that nature deserves to be protected, if only because human interactions with God’s [God-given] biodiversity must take place with the utmost care and respect: caring for biodiversity, caring for nature,” dagdag pa ni Pope Francis.
Abril 22, 1970 nang unang ipinagdiwang ang Earth Day na isinusulong sa Estados Unidos habang 1990 naman nang ipagdiwang ito ng buong mundo.
Makaran ang mahigit sa limang dekada nasa isang bilyong indibidwal na ang nakilahok sa Earth Day mula sa mahigit 190 mga bansa.
Tema ng Earth Day 2021 ang “Restore Our Earth” na layong maisulong ang agarang pagtugon sa climate emergency.
Ayon pa ni Pope Francis na hamon ng bawat isa ang pangalagaan ang kalikasan at iwasan ang mapanirang epekto ng climate change.
“The adversity that we are experiencing with the pandemic, and that we already feel in climate change, must spur us on, must drive us to innovation, to invention, to seek new paths. We do not come out of a crisis the same, we come out better or worse. That is the challenge, and if we do not come out of it better, we will be on a path of self-destruction,” ani Pope Francis.