335 total views
Nagpaabot ng pasasalamat ang pamunuan ng Archdiocese of Jaro sa pagkilalang iginawad ng Catholic Social Media Awards 2020 na Best Diocesan Website na www.rcajaro.com ng Roman Catholic Archdiocese of Jaro.
Sa mensahe ng Archdiocese of Jaro, Commission on Social Communications sa Facebook page nito, inihayag ng communication ministry ng arkidiyosesis na maituturing na dagdag inspirasyon ang naturang pagkilala upang higit pang pag-ibayuhin ng mga bumubuo sa website ang pagsusumikap na maging daluyan ng Mabuting Balita ng Panginoon.
Nagpapasalamat rin ang communications ministry ng arkidiyosesis sa lahat ng mga bumubuo sa Catholic Social Media Awards 2020 sa pagkilala sa pagsusumikap ng arkidiyosesis na maibahagi ang ebanghelyo sa pamamagitan ng makabagong pamamaraan.
Tiniyak naman ng Archdiocese of Jaro, Commission on Social Communications ang higit pang pagpapaigting sa misyon ng Simbahan na maipalanap ang Mabuting Balita ng Panginoon gamit ang internet at maging social medi.
“Congratulations, Roman Catholic Archdiocese of Jaro, for being awarded as the Best Diocesan Website of the Catholic Social Media Awards 2020. We thank all the judges, organizers, supporters, contributors, our supportive and hadworking clergy and lay people for making this possible! Thank you Catholic Social Media Awards for this privilege! We continue to give our yes to the mission to be social communicators of our beloved Archdiocese, all to bring the Good News of Christ closer to us all!” mensahe ng Archdiocese of Jaro, Commission on Social Communications.
Ang website ng Roman Catholic Archdiocese of Jaro na www.rcajaro.com ang nagsisilbing pangunahing tagapag-hatid ng mga impormasyon at mga gawaing pang-simbahan sa arkidiyosesis gayundin ang mga mahahalagang anunsyo at mga panawagan para sa mananampalataya.
Nasasaad sa isang dokumento ng Vatican na may titulong Church and the Internet na mahalagang magamit ng Simbahan ang makabagong teknolohiya tulad ng internet para sa pagpapahayag ng ebanghelyo at misyon ng Simbahan na maibahagi ang Mabuting Balita ng Panginoon.