3,672 total views
Hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga kabataang delegado sa World Youth Day 2023 na maging bahagi sa misyon ni Hesus sa sanlibutan.
Ayon sa cardinal bilang bahagi ng kristiyanong pamayanan ay dapat isabuhay ang pagiging mapagpatawad sa kapwa upang manaig ang pag-ibig na ipinamalas ni Hesus sa pamayanan.
“As young missionary disciples of the Lord, we use our freedom to choose God, to be agents of forgiveness and reconciliation and joyful followers of Christ,” bahagi ng mensahe ni Cardinal Advincula.
Batid ng arsobispo na dapat isabuhay ng mananampalataya lalo na ng mga kabataan ang kapakumbabaan upang maibahagi ang habag at awa sa kapwa.
Ipinaalala ng Cardinal na kung mananaig sa puso ang paghihiganti ay magdudulot ng pagiging ‘agent of death’ ng tao kaya’t mahalagang isabuhay ang pagpapatawad sa kapwa.
“No wonder Jesus taught us, by word and example, to ask for forgiveness and to love our enemies, as these are sure paths to freedom and the fullness of life. More profoundly, we can promote life and counter the culture of death by returning good for every evil received,” ani ng Cardinal.
Pinangunahan ni Cardinal Advincula ang send-off mass para sa 34 na kabataang delegado ng Archdiocese of Manila sa WYD 2023 na gaganapin sa Lisbon Portugal sa August 1 hanggang 6.
Ang mga delegado ay mula sa iba’t ibang parokya, dormitories, catholic shools at Young Adult Ministry ng arkidiyosesis.
Tema sa pagtitipon ngayong taon ang ‘Mary arose and went with haste’ na hango sa ebanghelyo ni San Lucas.
Batay sa tala ng WYD Lisbon organizers mahigit na sa kalahating milyong delegado ang nagpatalang dadalo sa pandaigdigang pagtitipon ng mga kabataan kung saan inasaahan ang pakikiisa ng Santo Papa Francisco sa closing mass.
Ang World Youth Day ay inisyatibo ni Saint John Paul II noong 1985 kung saan ginanap din ito sa Pilipinas taong 1995 na dinaluhan ng limang milyong katoliko ng closing mass na pinangunahan ng santo.