9,751 total views
Naglabas ng liham-sirkular ang Diyosesis ng Imus hinggil sa pagdiriwang ng Year of Prayer 2024.
Inihayag ni Bishop Reynaldo Evangelista na napagkasunduan sa ginanap na pagpupulong kasama ang Presbyterial Council ng diyosesis, na ngayong taon ay bibigyang-tuon ang pagpapaigting sa buhay panalangin at kabanalan ng bawat mananampalataya.
Ayon kay Bishop Evangelista, paghahanda na rin ito para sa Jubilee Year ng simbahang katolika sa 2025 at ang Diocesan Synod sa 2026.
“In a recent meeting with the Presbyteral Council of the Diocese of Imus, it has been agreed that in this Year of Prayer 2024, which is the first year of preparation for the upcoming Diocesan Synod in 2026, we are enjoined to intensify our life of prayer and holiness,” ayon sa liham ni Bishop Evangelista.
Maliban sa mga personal at sama-samang pananalangin, hinikayat din ng obispo ang mga mananampalataya sa pananalangin ng Regina Caeli ngayong panahon ng Pagkabuhay ni Hesus, at Angelus sa Karaniwang Panahon tuwing alas-sais ng umaga, alas-12 ng tanghali, at alas-sais ng gabi.
Gayundin tuwing alas-otso ng gabi para sa pananalangin ng De Profundis upang ipanalangin ang mga kaluluwa sa purgatoryo.
Itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco ang 2024 bilang Year of Prayer bilang paghahanda sa 2025 Jubilee Year na may temang Pilgrims of Hope.