226 total views
Umaasa ang Archdiocese of Palo na matatapos na nila sa loob ng tatlong taon ang rehabilitation program sa kanilang nasasakupan na nasalanta ng Super Typhoon Yolanda noong November 8, 2013.
Ayon kay Rev. Fr. Alcris Badana, head ng Relief and Rehabilitation Unit ng Archdiocese of Palo, sa tulong ng ibat-ibang organisasyon ng Simbahang Katolika gaya ng CBCP-NASSA at Caritas Philippines, makukumpleto na ang pabahay at livelihood sa mamamayan na nasalanta sa Samar at Leyte.
Dagdag ni Fr. Badana, aktibo rin ang archdiocese sa pagbibigay impormasyon sa ‘emergency preparedness’ upang hindi na maging malala ang epekto ng mga susunod na kalamidad.
“Dito sa amin together with CBCP-NASSA and Caritas Philippines we are almost completing our project by this March 2017 kasi yung program natin sa rehabilitation is a 3- year program. Kami naman po talagang sinsisikap namin like Msgr. Oso (SAC director Palo archdiocese ) said the poor cannot wait so we really need na bilisan natin ang programa lalo na ang housing kasama na ang livelihood and other concerns especially sa emergency preparedness,” pahayag ni Fr. Badana sa panayam ng Radyo Veritas.
Dagdag ng pari naging matagumpay din ang kanilang activities sa paggunita ng ikatlong anibersaryo ng Yolanda kahapon kung saan 9 na dioceses ang nakilahok kasama ang ibat-ibang organisasyon na tumutulong sa rehabiltasyon sa mga naging biktima ng kalamidad.
Sa pagdiriwang, pinangunahan ni Palo archbishop John Du ang isang Misa pasasalamat at pananalangin sa mga kaluluwa ng mga nasawi sa sakuna kasama na rin ang pagbibigay pugay at pagkilala sa mga naging tunay na modelo ng bawat komunidad habang isinasagawa ang pagbangon.
“He encourage all parishioners to commemorate and pray for all our beloved especially those who perished during Typhoon Haiyan, aside from that the different parishes meron din kaming unified activity celebration sa Tanauan, sa Our Lady of Assumption parish. Dun ginawa ang diocesan activity , lahat ng parokya nagkaroon ng sariling selebrasyon like prayers and Mass, especially activity rin na ginawa, in partnership with CBCP NASSA and Caritas Philippines kasama ang 9 na diocese na kasama sa programa ng rehabilitation for the past 3 years, may delegate sila in minimum of 5, may activity kaming ginawa, identifying true heroes of Yolanda na naging modelo” ayon pa kay Fr. Badana.
Sa pananalasa ng Bagyong Yolanda noong Nobyembre a-8 ng 2013, halos 7,000 ang nasawi at 16 na milyong indibidwal ang naapektuhan habang bilyong-bilyong pisong halaga ng ari-arian ang napinsala.