1,552 total views
Umaabot sa 1,598 ang mga nagsipagtapos sa kolehiyo sa ilalim ng Youth Servant Leadership and Education Program (YSLEP) ngayong taon.
Ayon sa Caritas Manila, mula sa bilang ng mga nagsipagtapos may isang libo sa mga ito ang nakatanggap ng pagkilala kabilang na ang dalawang Summa Cum Laude.
“Summa Cum Laude is two, Magna Cum Laude-29, Cum Laude-109, Academic Excellence-358, President’s List-76, With Honors is six, Dean’s Lists Awardees-292, Special Awardees-127,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Maribel Palmitos na officer-in-charge ng YSLEP sa Radio Veritas.
Kamakailan din ay isinagawa ng social arm ng simbahan ang Kairos 2023 o ang taunang pagbibigay parangal at pagkilala sa mga nagtapos na scholar ng simbahan.
Layunin ng YSEP ang bigyang suporta ang mahihirap na kabataan na nais na makapag-aral sa kolehiyo.
Naniniwala si Fr. Anton CT Pascual-executive director ng Caritas Manila na malaki ang maitutulong ng pagtatapos ng pag-aaral sa pagpapabuti ng kalagayan ng pamilyang Filipino.
Itinakda naman ng Caritas Manila katuwang ang Radio Veritas sa gaganaping YSLEP Telethon 2023 sa Huwebes, August 31.
Inaanyayahan din Fr. Pascual ang publiko na makiisa sa gagawing telethon o isang fund raising campaign na inilalaan ng simbahan sa scholar’s ng simbahan.
Tinatayang may limang libo ang college scholar’s ng simbahan kada taon kung saan noong nakalipas na taon, aabot sa P111 milyon ang inilaang pondo ng Caritas sa YSLEP.