300 total views
Nakikipagtulungan ang Diocese of Kalookan sa tatlong munisipyo sa ilalim ng ng kanilang diyosesis para sa malawak na pagpapalaganap ng impormasyon at kahandaan sa sunog ngayong fire prevention month.
Ayon kay Rev.Fr. Benedict Cervantes, Social Action Director ng nasabing diyosesis, nakikipag-partner sila sa lokal na pamahalaan ng Malabon, Navotas at Kalookan para sa kahandaan ng mga residente at kung paano maiwasan ang sunog.
Tiniyak ni Fr. Cervantes na patuloy ang kanilang pagsisikap na tumugon sa pangangailangan ng mga naapektuhang residente ngunit higit na mahalaga ang pag-iingat at kahandaan bago pa ito maganap.
“Ang Diocese of Kalookan po ay nagsisikap na matugunan ang mga pangangailangan ng mga apektadong pamilya ng sunog at iba pang kalamidad at kami naman po ay patuloy ang ugnayan sa iba’t-ibang sektor at sa mga tao na nagsisilbi naming benefactors para makatugon din kami kung ano yun kailangan naming ihanda para po sa mga ganitong klaseng pangyayari.”pahayag ni Fr. Cervantes sa panayam ng Damay Kapanalig.
Ipinagmalaki ni Fr. Cervantes na ang kanilang Obispo Bishop Pablo Virgilio David ay aktibo sa pakikipag-ugnayan sa mga naapektuhan ng sunog at pursigido ito makatulong sa pagbangon ng mga naging biktima ng sunog sa kanilang nasasakupan.
“nakakatuwa din po na ang aming obispo Bishop Ambo [Pablo Virgilio David] ay nagpunta talaga siya at siya ay talagang hands on kapag may sunog na nangyari sa lugar namin talagang he really come and visit and talk to the people.”dagdag pa ng Social Action Director ng Diocese of Kalookan.
Magugunitang Pebrero ng kasalukuyang taon ng masunog ang tirahan ng may 1000 pamilya Catmon, Malabon City.
Patuloy din ang information campaign ng Bureau of Fire Protection para maging handa ang mga residente sa sunog.
Read: http://www.veritas846.ph/kahandaan-kaalaman-sa-pag-iwas-sa-sunog-paigtingin/
Sa tala ng Bureau of Fire Protection umabot sa 19,292 ang naitalang bilang ng insidente ng sunog sa bansa noong taong 2016