Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 421 total views

Kapanalig, kasama ang Pilipinas sa pagpupursige sa pag-kamit ng Sustainable Development Goals o SDG. Ang pagwaksi ng gutom ay isa mga mithiin nito.

Ang gutom, kapanalig, at ang epekto nitong malnutrisyon ay pangunahing dahilan ng kamatayan ng mga bata. Ayon sa World Health Organization (WHO), kada isang oras, 300 bata sa mundo ang namamatay sa malnutrisyon. Marami rito, hindi na opisyal na natatala, kaya kadalasan, hindi sapat na natutugunan ng problema ng gutom at malnutrisyon.

Kaya nga’t napakahalaga ng SDG 2 o Zero Hunger. Nilalayon nito na pagdating ng 2030, mawawaksi na ang gutom at matitiyak na lahat ng tao, lalo na ang maralita, ay may access sa masustansya at sapat na pagkain araw-araw. Nilalayon din ng SDG 2 na pagdating ng 2025, lahat ng uri ng malnutrisyon ay mawawaksi na rin sa buong mundo.

Ang SDG 2 ay dakilang mithiin, at sinasalamin din nito ang mga gabay ng Panlipinang Turo ng Simbahan ukol sa pagtatangi sa maralita. Ayon nga sa Gaudium et Spes, “ang ating mundo ngayon ay napupuno ng mga nakakaranas ng masidhing pangangailangan, kaya’t tayo ay iniimbitahang magbigay sa mga mamamayang salat sa pagkain. Kung tayo ay magdadamot, pinapatay na rin natin sila.”

Ang problema ng gutom ay mas matingkad sa ating bayan ngayon lalo na’t nasa gitna tayo ng pinaka-mahabang quarantine sa buong mundo. Nitong Hulyo, tinatayang umabot sa 4.8 milyong pamilyang Filipino ang nakaranas ng gutom, at sa bilang na ito, 674,000 na pamilya ang nakaranas ng extreme hunger o sukdulang gutom.

Ang gutom kapanalig, ay ang pinaka-matingkad na problema ng mas maraming mamamayan sa ating bansa ngayon. Ito ang dahilan kung bakit, kahit pa nagkalat na ang Delta variant sa ating bansa, marami pa rin sa ating mga mamamayan ang nakikipag-sapalaran sa labas ng tahanan. Kailangan nilang kumita upang makakain ang kanilang pamilya. Sa panahon ng hard lockdowns ngayon sa iba’t ibang lugar sa ating bansa, marapat na atin silang maalala, at kung makakaya, bigyan ng ayuda kahit mula sa sarili na nating bulsa.

Ang zero hunger, kapanalig, ay hindi lamang dapat misyon ng pamahalaan. Ito rin ay dapat nating maging personal na misyon. Ang pagbibigay ng pagkain sa ating mga kababayang salat na, lalo ngayong pandemya, ay isang kongkretong paraan upang ating mapalaganap ang Gospel of Life – ang Mabuting Balita na nagbibigay buhay sa lipunang unti-unti ng nawawalan ng pag-asa.

Sumainyo ang Katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BAYANIHAN

 3,341 total views

 3,341 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »

NINGAS-COGON

 26,786 total views

 26,786 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Pagtigil sa mother tongue-based education

 43,548 total views

 43,548 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 56,607 total views

 56,607 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »

Mga bunga ng ating paglimot

 54,670 total views

 54,670 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 3,342 total views

 3,342 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 26,787 total views

 26,787 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 43,549 total views

 43,549 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 56,608 total views

 56,608 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 54,671 total views

 54,671 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 69,182 total views

 69,182 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Day of Rural Women

 66,275 total views

 66,275 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ngayong araw ang International Day of Rural Women. Sinimulan ang pagdiriwang na ito ng United Nations noong 2008 upang kilalanin ang rural women o kababaihan sa kanayunan. Patuloy na inaanyayahan ng UN ang mga bansang kasapi nito, kabilang ang Pilipinas, na magpatupad ng mga patakaran at programang magpapabuti sa kalagayan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 76,777 total views

 76,777 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

KOOPERATIBA

 91,850 total views

 91,850 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NCIP

 97,814 total views

 97,814 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

FAMILY BUSINESS

 101,961 total views

 101,961 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 111,236 total views

 111,236 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang kasikatan

 55,343 total views

 55,343 total views Mga Kapanalig, ngayong araw, ika-8 ng Oktubre, ang huling araw ng filing of certificate of candidacy (o COC) ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon. Nagsimula ang pagtanggap ng COMELEC ng mga COC noong unang araw ng buwang ito. May napupusuan na ba kayo sa mga nais maging senador? Sa mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Deserve ng ating mga teachers

 53,588 total views

 53,588 total views Mga Kapanalig, bago matapos ang National Teacher’s Month noong Sabado, ika-5 ng Oktubre, na kasabay din ng World Teachers’ Day, may regalong ibinigay ang Department of Education (o DepEd) sa ating mga pampublikong guro. Sa bisa ng DepEd Order No. 13, maaari nang bigyan ang mga public school teachers ng hanggang 30 vacation

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makinig bago mag-react

 103,896 total views

 103,896 total views Mga Kapanalig, nag-trending sa social media noong nakaraang linggo ang isang video kung saan makikitang nagkainitan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Juan Miguel Zubiri habang naka-break ang sesyon nila. Makikita sa video ang kanilang sagutan at murahan, na muntikan nang umabot sa pisikalan. Ang kanilang pag-aaway ay kaugnay ng sampung Embo

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top