204 total views
Observe protective procedures kontra Zika virus.
Ito ang naging panawagan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mamamayan kaalinsabay ng paggunita ng All Saints at All Souls day sa November 1 at 2, 2016.
Sa kanyang pastoral guidelines, iginiit ni Cardinal Tagle sa lahat ng parishes,institution, hospitals, schools at mga komunidad ang kahalagahan na ugaliin ang 4’S’campaign ng Department of Health laban sa Zika virus.
Bahagi ng 4’S’ campaign ang: search and destroy mosquito-breeding place; gumamit ng self-protection measures; seek early consultation for fever lasting more than 2-days; and say yes to fogging when there is an impending outbreak.
Hinimok ni Cardinal Tagle ang mamamayan na alamin ang mga sintomas at magkaroon ng protective procedures para mapigilan ang paglaganap ng virus.
Tinukoy ng kanyang Kabunyian ang pangangalaga sa kalusugan ng mga bata, mga may sakit, matatanda at mga nagdadalantao.
Inilabas ng Archdiocese of Manila ang Zika virus alert matapos i-ulat ng D-O-H ang patuloy na pagdami ng mga pasyanteng tinamaan ng virus sa bansa na umaabot na sa 19.
Ipinapaalala na ang mga sementeryo ay maaring maging breeding ground ng mga lamok na nagtataglay ng Zika virus dahil sa mga basura at maruming tubig.